Turismo: Daan Sa Kaunlaran
Ang turismo ay isang akto ng paglalakbay para sa layunin ng rekreasyon, at ang paghahanda ng serbisyo para dito. Ito ay ang pagtungo sa iba't - ibang lugar ng Pilipinas upang makita ang kagandahan nito. Tinatawag na "turista" ang sinumang naglalakbay ng 50 milya na layo sa kanyang tirahan (World Tourism Organization).
Ang turismo ay isang akto ng paglalakbay para sa layunin ng rekreasyon, at ang paghahanda ng serbisyo para dito. Ito ay ang pagtungo sa iba't - ibang lugar ng Pilipinas upang makita ang kagandahan nito. Tinatawag na "turista" ang sinumang naglalakbay ng 50 milya na layo sa kanyang tirahan (World Tourism Organization).
Iniiba ang turismo bilang isang industriyang maaaring mabuhay muli sa pagpapaunlad ng diskarte sa ekonomiya, sa kadahilanang maraming komunidad ang nakararanas ng "industrial restructuring". Dahil diyan, maraming residente ang nakakakita sa magandang epekto ng turismo sa unang pagkakataon, dapatwa't ang mga magaganda at sikat na destinasyon nakakaranas ng pagrami ng turista. Ang mga taga-plano ay nahamon sa pag-analisa kung paano natuklasan ng publiko ang turismo para makakuha ng lokal na suporta. Ang mga ibang payak na lugar na hindi pa dati kilala ay unti-unti na ngayong nadidiskubre dahil sa lumalagong turismo ng bansa. Makakapagbigay din ito ng karagdagang trabaho at kita sa mga taong naniniraham sa lugar. Sa karagdagan, nakakatulong din ito upang mapaganda ang pamumuhay ng tao sa lugar.
Kilala tayong mga Pilipino sa ating kakaibang katangian na nakangiti sa kabila ng mga problemang ating hinaharap at dinadama, pagmamano sa matatanda, pagiging palakaibigan at hindi mahirap lapitan. Isang paraan para mapaunlad ang turismo sa Pilipinas ay ang mga kabataan sa generasyong ating kinabibilangan. Dapat ang mga kabataan ang maging instrumento ng Diyos sa kanyang nilikhang tahanan para sa atin. Dapat tayong magtulungan para maalagaan at mapanatiling malinis ang kapaligiran.
Sa paraang pag-unlad at lago ng turismo at ating munting paraan na maging boses at mabuting impluwensya sa ibang kapwa at kabataan, makakamit natin ang kaunlaran at makapagbibigay ng malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment